Monday, October 26, 2009

Ang unang tulang isinulat ko

Last Saturday habang wala akong ginagawa sa bahay
naisipan kong sumulat ng tula
nang biglang kong naalala ang kambal kong si Erickson
At ito ang tulang isinulat ko
ang tulang ito ay may pamagat na
" ISANG LITRO NG LUHA "

sa buhay hindi lahat

magiging masaya ka
may iba na, nabubuhay
na may kalungkutan o problemang kinakaharap
pero, sa bawat problemang ito
minsan pag nalutas mo may darating ulit na panibago,
ganun talaga ang buhay,
mas masaya na mamatay na lamang kaysa
mamuhay ka ng
nagdurusa…

isang litrong luha
yun ang halimbawa
na pag nawala ka na sa mundo
at may naiwan kang alaala sa iba
ibig sabihin, buhay ka pa para sa iba
nagsisilbing inspirasyon sa iba
yun ang nagbigay ng dahilan kaya ako nabubuhay sa mundo,
nagtataka ako at gustong gusto nyong mamuhay ng matagal
sa ilalim ng inyong mga problema
sana ako na lang ang nasa kalagayan mo noon
alam mo bang handa akong mamatay
alang alang lang sa iba sana sa kapanahunan
mo pa ako noon pinanganak
para ako ang may sakit at hindi ikaw
gusto ko ng mawala sa mundo
dahil wala namang nagmamahal sa akin
sayo lang nararapat na mamuhay ng matagal
dahil maraming nag mamahal sayo
lalo na ang pamilya mo…..

No comments:

Post a Comment