3.29-31-4.4.10: This is my 1st holy week vacation ever!
bored kasing mag-holy week sa Manila kaya sinamantala
ko ang tahimik na isang linggo sa Lungsod ng Tagaytay.
Sobrang na-miss ko ang Bulkang Taal na natatanaw ko
na lang. Hindi pa kasi ako nakakauwi sa Taal(Batangas)
kung saan ako lumaki. Apat na araw kong inikot ang
Tagaytay. Napansin ko, marami nang nagbago. Noon
malinis ang Tagaytay pero ngayon, halos lahat ng side-
walk, puro basura. Parang Maynila na ngayon ang Tagaytay
Biyernes Santo, nagpunta ako sa Brgy.Neogan dahil doon makikita
ang nag-iisang simbahan sa Tagaytay. Ang Our Lady of Lourdes
Parish. Nagpasalamat ako sa Diyos dahil ligtas ang paglalak-
bay ko sa Lungsod. Kinabukasan(Sabado) ay naghanda na ako ng gamit
para sa pagbalik ko sa Maynila. Easter Sunday, bumalik ako sa Neogan
para sa Salubong. 7 o'clock nang umuwi ako sa Maynila.
Tuesday, April 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment